Wika
Sa Pakikipagkapwa, Katutubong Wika'y Mahalaga
Isang blog ukol sa pagpapahalaga ng mga wikang nalalaytay sa mga tradisyon at kultura ng bansang Pili[pinas.
Kyene Shane Q. Pelayo
kahalagahan
Katutubo
pakikipagkapwa
'Magandang Araw' sa iba't-ibang panig ng Pilipinas!
Maayong adlaw
Naimbag nga aldaw
Marhay na aldaw
Mayad nga adlaw
Naimbag nga agsapa
Mayap a kayaldauan
Ano nga ba ang wika?
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
-kuha sa Wikipedia
Bakit ito mahalaga?
Katutubong
Wika
Bakita Mahalaga?
Ang wika ay may mahalagang ginagampanan sa pagakakaroon ng bawat isa ng matiwasay at makabuluhan na kaugnayan. At narito ang iilan sa mga aspetong tatalakayin sa blog na ito.
Komunikasyon
Pag-unlad
Kapayapaan
Pagkakaisa
Komunikasyon
Ang wika ay may mahalagang ginagampanan sa aspeto ng pakikipag-usap ng mga tao. Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng makabuluhang komunikasyon ang bawat isa na siyang nakakapagbahagi ng emosyonal at mental na pagpapahayag. Dito ay mas nagkakaroon ng klaro at matiwasay na ugnayanan ang bawat isa.
Pag-unlad ng Lipunan
Sa pag-inlad ay kinakailangan ang masinsinan na pagkakakaintindihan ng bawat isa. At isa ang wika sa mga aspetong naging pondasyon ng pagkaka-ugnay ng bawat isa na siya ring dahilan ng pag-unlad ng isang lipunan.
Kapayapaan
Ang pag-aaral ng iba't ibang wika ay nagiging-daan para sa sangkatuhan upang maibahagi at matanggap ang kultura at perspektibo ng iba't ibang grupo. Dahil dito ay mas nagkakaisa ang bawat isa ng may pakakaintindihan at pagkakaunawaan na siyang nagiging dahilan ng kapayapaan.
Pagkakaisa
Kapag may malalim na ugnayan sa pagitan ng mga tao, mas mainam na maipapasa ang kaalaman ng bawat isa. Dito ay nagkakarugtong ang kultura, tradisyun ng magkakaibang tao ngunit dahil sa wika ay nagkakaroon ng pagkakaunawaan at pagkakaisa.